[EDITORIAL] Killing us softly with the anti-dynasty bill
2026-03-23 - 03:40
Maraming kasalanan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil natulog sa pansitan. Hindi nito naisaayos ang food insecurity at runaway inflation, at ang resulta, wala nang umaasang maaayos pa ‘yun. May nagsasabi, “Eh di bale na, he’s a nice guy naman.” Tapos nangyari pa ang giyera sa Iran, at nakomplika pa lalo dahil nabunton lahat ng sisi kay US President Donald Trump. Hindi nabasag (o hindi naman talaga tinangkang basagin) ni Ginoong Marcos ang systemically entrenched corruption na nagkakanlong sa mga politicontractors. “Mahiya naman kayo” enjoyed great press sa SONA speech, at ‘yun na pala ‘yun. Isang malaking dud ang nilikha niyang Independent Commission for Infrastructure, at ayun, naglaho nang parang bula. Pero sabi pa rin ng ilan, “Di bale na, he’s a nice guy naman.” Dagdag pa ng ilan, “At least hindi killer,” in reference to his predecessor in The Hague. Pero make no mistake, when he (and his allies) do move — they leave behind a different kind of twisted, killer legacy. Killer of hopes of a government free of conflict of interest; killer of dreams of an equitable society. Existential ito. Kung pumasa ang ubod nang labnaw na anti-dynasty bill, we will be entrenching, even empowering and legitimizing dynasties for generations to come. Mas malala ito sa panahong walang enabling law. Dahil ngayon, magkakaroon na ng sorry excuse for a law. In a nutshell, ipinagbabawal ng approved bill ang pag-upo ng magkakamag-anak hanggang second degree of consanguinity or affinity. Pero bago tayo umusad sa usapan, panoorin muna ang explainer na ito ni Rappler reporter Dwight De Leon: How a ‘diluted’ anti-dynasty bill is being sold to the public. Sabi nga ni Anti-Dynasty Network convenor Mikee Defensor, “In a sense, across all levels of government, you are still allowed to hold position simultaneously. The governor can still be the father, the mayor can be the mother, the councilor can still be the child.” Dagdag pa niya, “Naglolokohan lang tayo.” Ayon naman kay Caloocan Congressman Edgar Erice, isa raw itong malaking “budol.” At best example ang Marcos clan na ‘di apektado nito — hindi na nga sila concentrated sa Ilocandia pero makapangyarihan sila sa maraming sulok ng gobyerno: andiyan ang kapatid ni Marcos sa Senado na si Imee, ang anak niyang deputy speaker na si Sandro, ang pamangking gobernador na si Matthew Manotoc, ang pinsang vice governor na si Cecilia Araneta-Marcos, ang pinsang mayor na si Michael Marcos Keon, ang pinsang congressman na si Angelo Marcos Barba, at ang pinsang dating House speaker na si Martin Romualdez at asawa niyang party-list representative na si Yedda. Walang epekto ang anti-dynasty bill sa kanilang lahat. At hindi argumento na sila-sila’y nagbabangayan. Sa bandang huli, ‘sandugo pa rin sila. Let’s give it to Marcos 2.0, marami silang natutunan sa Cambridge Analytica at sa mga pagkakamali ng Martial Law ni Marcos Sr. Alam nilang where naked repression won’t work, money talks. Alam nila ang psyche ng Pinoy, ‘wag sisigawan, himas-himasin na lang. Napaka-ironic na ginugunita natin ang EDSA @40 sa taong ito. Ito ang parehong taon kung kailan na-subvert ng mga kongresista ang anti-dynasty provision ng 1987 Constitution. May aasahan ba tayo sa Senado sa bersiyon nito? Ang institusiyon na may “four pairs of siblings”? Let’s not hold our breath. – Rappler.com